56

Jan 14, 2022 @ 14:16
By

Colmenares: Marcos Jr. hindi nararapat maging pangulo

Naniniwala si Bayan Muna chairperson at senatorial candidate Neri Colmenares na hindi nararapat si dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na maging pangulo ng bansa.

Sa Tapatan forum ng 1 Sambayan noong Huwebes, sinabi ni Colmenares na bagamat totoo na hindi dapat si Marcos Jr. ang sumalo ng kasalanan ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos, hindi umano nangangahulugan na wala siyang kasalanan.

“True, a son is not accountable for the sins of his father. Bongbong Marcos has his own sins that make him undeserving of the presidency,” sabi ni Colmenares.

Tatlo ang tinukoy ni Colmenares na kasalanan ni Marcos Jr.

Una umano ay ang patuloy na pagharang nito para mabawi ng gobyerno ang nakaw na yaman ng kanilang pamilya.

“That’s hundreds of billions that could have been used for free medicines, healthcare, and social interventions for the poor. Do we want a president that blocks efforts to return the people’s money to the public coffers?” sabi ni Colmenares.

Sunod umano ang hindi nito pagbabayad ng buwis nang maging gubernador, bise gubernador, at board member ng Philcomsat.

“Ang municipal clerk sa isang munisipyo nagbabayad ng tax. Ang ordinaryong guro nagbabayad ng tax. Siya na mayaman, hindi nagbabayad ng tax?” dagdag pa ng dating solon.

At ikatlo umano ang kawalan ng aksyon nito laban sa paglabag sa karapatang pantao noong gubernador siya ng Ilocos Norte.

“Third, Marcos had always been complicit in Martial Law. Having been governor of Ilocos Norte, he tolerated human rights violations in his province. And during the EDSA uprising, he was in military fatigues, ready to attack Filipinos who were demanding his father’s removal from office. To this day, he shows no remorse over the atrocities and failures of the Marcos dictatorship,” wika pa ni Colmenares. (Billy Begas)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?