212
Colmenares hinamon ng debate si Panelo
By

Colmenares hinamon ng debate si Panelo

Hinamon ni senatorial bet Neri Colmenares si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa isang debate kaugnay sa isyu ng loan agreements ng bansa sa China.

Ang paghahamon ni Colmenares ay matapos siyang akusahan ni Panelo ng pamumulitika sa loan agreement ng bansa sa China para makakuha ng atensiyon sa media.

“Panelo is wrong in saying I am raising this issue to bolster my candidacy as senator. That is a pathetic attempt to divert and muddle the issue,” ani Colmenares.

Aniya pa, imbes umano na sagutin ni Panelo ang mga isyu hinggil sa naturang mga kasunduan ay inililihis nito sa pamamagitan ng pagpukol umano ng mga malisyosong pag-atake sa kanya.

Kabilang umano sa itatanong ni Colmenares sa debate ay kung bakit ibinigay ang proyekto sa Chinese na kontratista kung marami namang contractors na mga Filipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?