By

College student, kalaboso sa rape

Sharing is caring!

Kulungan ang kinabagsakan ng isang 22-anyos na college student matapos na ireklamo ng isang event coordinator ng panghahalay sa mismo pang bahay ng suspek sa Navotas City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni PO1 April Lyn Bravo, ng Navotas City Police-Women and Children Protection Desk, ganap umanong alas-kuwatro ng madaling-araw nang mangyari ang panghahalay sa loob mismo ng bahay ng suspek na si Roy Benson Roldan, ng Kapalaran Street, Barangay Daanghari.

Kasalukuyan umanong natutulog sa bahay ng suspek sa hindi na binanggit pang dahilan ang biktimang itinago sa pangalang Enid, 21, dalaga, event coordinator ng Barangay Panghulo, nang dumating si Roldan na lasing.

Agad na nagising ang biktima nang marinig ang maingay na pagpasok ng suspek sa bahay at nang makita umano siya ng huli ay dinamba siya saka hinubaran at ginahasa.

Matapos maisakatuparan ng suspek ang panghahalay ay natulog lang umano ito habang agad namang nagtungo sa himpilan ng Navotas City Police Community Precint 2 ang biktima na ikinaaresto ni Roldan. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?