137
Paco Park

College student, todas nang masagasaan sa Paco Park

Sharing is caring!

Todas matapos masagasaan ng trailer truck ang isang babaeng estudyante sa Gen. Luna Street, tapat ng Paco Park sa Maynila.

Sinubukang dalhin sa ospital ang biktimang si Justin Sarmiento, 16-anyos, estudyante ng Adamson University ngunit idineklarang dead on arrival, sa report ng DZMM.

Ayon sa mga nakasaksi, kasama ng biktima ang ilang kaklase dahil may aktibidad sa parke nang dumaan ang truck.

Dahil paliko ang truck ay posibleng hindi nakita ng driver na si Rene Perez ang biktima kaya nasagaan ng likurang gulong ng minamaneho nitong sasakyan.

Nakakulong na sa Manila Traffic Bureau ang naturang driver para sa mga kasong kakaharapin nito sa nangyari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?