147

Jan 5, 2022 @ 10:08
By

College dean nangmanyak estudyante, kalaboso

Himas rehas ang isang college dean sa Pagadian City kaugnay ng two counts ng kasong acts of lasciviousness na isinampa ng kanyang mga estudyante.

Kinilala ang dean bilang si Oscar Cosicol mula sa criminology department ng Southern Mindanao Colleges.

Ayon sa ulat ng pulisya, inaresto si Cosicol sa kanyang tahanan nitong Lunes sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Pagadian City Municipal Trial Court Branch 2.

Hindi naman inilahad ng pulisya ang ispesipikong pangmamanyak na ginawa ng dean sa kanyang mga estudyante.

Maaaring makulong ang dean ng mula anim na buwan hanggang anim na taon kung mapapatunayan siyang nagkasala. (mjd)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?