64

Nov 27, 2017 @ 8:38
By

Collection tube ng dugo, pinasosoli ng FDA

Dahil sa posibilidad na magkaroon ng maling resulta sa mga blood examinations, binabawi ng isang kumpaniya ang kanilang naipamahagi at ipinagbibiling mga blood collection tube.

Sa abiso mula sa Food and Drug Administration (FDA), ang mga dapat na maisoli sa Metro Drug, Inc., ay ang mga BD Vacutainer K2 EDTA (K2E) at BD Vacutainer K2 EDTA (K2E) 3.6mg, na kapwa ginagamit para sa koleksiyon ng mga dugo na dumadaloy sa puso at baga ng tao.

Ang mga naturang collection tube ay gawa ng Becton Dickinson and Company.

Kinumpirma ng naturang kompaniya na may mga nagawang blood collection tube na mababa ang taglay na K@EDTA additive, isang anticoagulant o panlaban sa mabilis na paglapot ng dugo.

Bunga nito, maaring magkaroon ng maling resulta sa blood examination, matagal na paggaling ng pasyente dahil sa misdiagnosis o mismanagement ng paggamot, bukod pa sa maaring idulot na seryosong komplikasyon.

Inabisuhan na ang mga distributors, hospital at retailers na huwag nang gamitin o ipagbili ang mag nabanggit na blood collection tube. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?