91
Collado, Mabayo, Santos tripleng sandata ng QC
Mar 1, 2019 @ 17:26
By ,

Collado, Mabayo, Santos tripleng sandata ng QC

Bagaman pasok na sa playoffs ng Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup ang Quezon City Capitals, hindi pa rin ito nagpakampante nang tuhugin ang ika-12 panalo sa 24 laro.

Sa malupit na triple-threat big men ng Capitals kumapit ang mga ito para padapain ang Cebu City Sharks, 75-68, Huwebes ng gabi sa People’s Center sa Balanga City sa Bataan.

Naging tangulan ng Quezon City and double-double finish performance nina Jay Collado at Mon Mabayo, pumoste si Collado ng 24 puntos at 11 rebounds habang umayuda naman si Mabayo ng 17 puntos at 12 rebounds at bumakas naman 13 puntos si Jomar Santos.

Sa sumunod na laro, inararo ng Bataan Risers ang Paranaque Patriots, 102-73 para itarak ng tropa ang ika-22 nitong panalo sa 24 na laro nito.

Mas lalong tumatag ang kapit ng Risers sa unang spot ng Northern Division at mas lalong naging solido ang tropa ni coach Jojo Lastimosa sa pagpasok sa quarterfinal round at huli nitong makakasagupa ang Pasig Pirates.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?