22

May 8, 2020 @ 13:28
By

Collab nina Ariana Grande, Justin Bieber tinutukan

Wala pang 5 minuto matapos ipalabas, umani na ang official video ng kanta nina Ariana Grande at Justin Bieber ng 108,000 likes.

Ang “Stuck with U” ay mapanonood na sa YouTube PH ngayong Biyernes ng tanghali.

Nilabas nina Ariana at Justin, na mga kliyente ng SB Projects, ang “Stuck with U” bilang fundraiser ng First Responders Children’s Foundation na tumutulong sa mga anak ng mga COVID-19 frontliner.

“In response to the COVID-19 crisis and to help further bolster relief efforts, all net proceeds from the streams and sales of “Stuck with U” will be donated to First Responders Children’s Foundation to fund grants and scholarships for children of healthcare workers, emergency medical technicians (EMTs), paramedics, police officers and firefighters serving at the front lines during the global pandemic,” saad sa caption ng video, na pinost sa YouTube account ni Ariana.

“That means that by listening, watching, and sharing – you are helping to support families in need,” dagdag pa nila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?