1,049

Sep 14, 2021 @ 11:05
By

“Colette” na may-ari ng famous buko pie shop tigok sa COVID

Pumanaw na si Colette dela Cruz na siyang pinaghanguan ng pangalan ng sikat na “Colette’s Buko Pie” na madalas dumugin ng mga biyahero sa Tagaytay at Laguna.

Sa isang tweet, ibinahagi ni Tonyo Cruz, iskulmeyt ng nasawing entrepreneur sa UP Los Baños, na pumanaw si Colette dahil sa COVID-19.


Ani Cruz, naisugod pa sa intensive care unit ang 46 anyos at na-intubate pa noong nakaraang linggo.


Dahil sa biglaang pagpanaw, naulila aniya ni Colette ang tatlo niyang anak at ang kanyang erpat na si Plaridel dela Cruz na isang konsehal sa San Pablo City, Laguna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?