202

Dec 21, 2017 @ 19:13
By

Coleen ‘kasal mode’ na kay Billy

Isang taon na ngang engaged sina Coleen Garcia at Billy Crawford. At ilang buwan na lang (April nga ba?) ay pakakasal na ang dalawa.

Pero, ngayon pa lang, gusto nang hilahin ni Coleen ang araw, gabi, buwan, para maikasal na sila ni Billy. Kasal na kasal mode na nga si Coleen kay Billy. At nu’ng huli nga namin siyang nakausap, sinabi niyang ready na talaga siya na maging Mrs. Crawford.

“A year ago today (singsing na emoji). Our smiles are still as huge & silly, and our hearts are still as full! Counting the days ‘til I’m officially stuck with you forever @billycrawford,” sabi ni Coleen.

Na sinagot naman ni Billy na, “Awwwwwwww I love you so damn much! Coleen!”

Anyway, habang tumatagal nga ay lalong nagiging magkahawig na ang dalawa. At ano nga ba ang chicka ‘pag magkahawig na ang magdyowa? Na siyempre, sila na ang magkakatuluyan talaga.

“Hawig na hawig kayo sa isat isa. May kasabihan kc na kung magkamukha ang dalawang nagmamahalan, sila na magkakatuluyan…” sabi ng follower nila.

Halos umabot na sa 100,000 ang likes ng photo na ‘yon nina Billy at Coleen. At kahit ang mga kapwa nila artista, nagpaulan na rin ng heart sa IG wall nila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?