101

Dec 30, 2017 @ 14:21

Coleen at Billy lumipad pa-Ethiopia para sa bridal shoot

Lumipad pa-Ethiopia sa East Africa para sa isang bridal shoot sina soon-to-wed couple Coleen Garcia at Billy Crawford.

Ito’y para sa The Wedding Library.

Nakatakdang magpakasal ang dalawa sa susunod na taon ngunit wala pang eksaktong petsa pero sa summer umano ito.

Ani Coleen sa isang panayam ng Push, karamihan sa kanilang bisita ay taga-showbiz dahil pareho silang galing at nagkakilala sa world of showbiz.

Na-engaged sina Billy at Coleen noong Disyembre 2016 matapos mag-date ng dalawang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?