778

By

Coke free concert inulan ng condom, ihi, kanselado

Sharing is caring!

Dahil sa hindi makontrol ang crowd na muntik pang mauwi sa stampede, nagdesisyon ang pamunuan ng Coca-Cola na i-reschedule ang free Christmas concert ng Coke Studio.

Dumagsa ang ilang libong katao para masilayan ng live ang mga sikat na entertainer tulad nina Apl.de.ap, Sam Concepcion, Kriesha Chu, IV of Spades, Quest, Moira, December Avenue, Ben&Ben at Khalil Ramos.

Ngunit hapon pa lang ay puno na ang venue, at kahit na sinarado na ang mga gates upang makapasok ay nagpumilit pa rin ang karamihan para makasingit sa venue.

Ang iba pa ay may nakita umanong mga bote na nilalagyan ng ihi at may pinalobong condom ang nagpagulantang sa mga concert-goer.

Kaya naman napilitan ang management na gawin na lang sa susunod na taon ang concert para na rin sa seguridad ng publiko.

Dahil sa pangyayari, marami ang nainis sa mga fan na sinisisi ang Coke sa sitwasyon dahil marahil ay nangyari ang kaguluhan dahil na-delay ang concert.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?