61

Jun 16, 2020 @ 18:21

Cognac siniksik sa bag

Isang lalaki ang idinetine sa Imus City Custodial Center nang mabisto ang pagtago nito ng mamahaling anak sa Cavite.

Dinakip si James Christian Calleja, 22, ng Salinas 1, Imus City, Cavite matapos nitong isiksik sa kanyang sling bag ang isang bote ng Hennessy Cognac na nagkakahalagang P950.

Nauna dito, pumasok ang suspek dakong alas-4:00 ng hapon sa 7-eleven convenience store sa Poblacion 1C ng naturang Lungsod at nagkunwaring mamimili. Nang matiyempo, tinangay nito ang nasabing mamahaling alak pero lingid sa kanyang kaalaman ay nakita siya ng store manager na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto. (Gene Adsuara)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?