351

Oct 27, 2017 @ 16:02

Cogie Domingo, arestado sa anti-drug operation

Naaresto ang actor-model na si Cogie Domingo sa isinagawang anti-drug operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Biyernes ng umaga.

Ayon sa Super Radyo dzBB, kasalukuyan nang nasa kostudiya ng PDEA CALABARZON ang aktor.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil dito.

Kaugnay nito, nasa 54 na showbiz personalities ang nasa drug list ng National Capital Region Police Office (NCRPO), base sa isang report.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?