380

Dec 12, 2017 @ 16:10
By

Coffee shop ng TV host sa NAIA 3, nilooban

Hindi bababa sa P50,000 ang natangay ng magnanakaw na nanloob sa restaurant ni ABS-CBN TV/radio personality Anthony Taberna sa NAIA Terminal 3 kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Christine Lanete, isa sa mga staff ng Ka Tunying’s Café, alas-4:30 ng madaling araw nang madiskubre ng isa nilang ka-trabaho ang panloloob.

Kuwento ni Lanete, puwersahang binuksan ng magnanakaw ang cabinet sa counter at gamit ang ilang tools ay hinila nito ang vault.

Dagdag pa nito, tinanggal ng suspek ang takip ng vault, kung saan nakatago ang kita ng restaurant noong Lunes at ito ay humigit kumulang P52,000.

Bagamat nasa cabinet din ang isang laptop, hindi na ito tinangay ng magnanakaw.

Walang CCTV camera sa loob ng restaurant ngunit may tatlo security cameras sa paligid na posibleng may footages ng pagpasok at paglabas ng suspek. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?