103
views

By ,

Codiñera bilib sa depensa nina Santos, Aguilar, Ferrer

Sharing is caring!

Ilang taon na ring hindi naglalaro sa Philippine Basketball Association ang tinaguriang ‘Defense Minister’ na si Jerry Codiñera at sa ngayon, siya ang tumatayong head coach ng Arellano University sa NCAA.

Sa tagal niyang hawak ang titulong Defense Minister, natanong ito kung sino para sa kanya ang top defensive players ngayon sa PBA.

Unang nabanggit ni Codiñera si San Miguel Beermen forward Arwind Santos maging si Japeth Aguilar at Kevin Ferrer ng Barangay Ginebra. Pasok din sa listahan niya si Jio Jalalon.

“Pwede mong sabihin na sina Arwind Santos, Japeth Aguilar at Kevin Ferrer maganda mga fundamental nila sa defense and (Jio) Jalalon of course,” ani Codiñera.

Bilang head coach ng Arellano, maraming paghahanda ang ginawa nila para s apaparating na season ng NCAA.

“Marami kasi because of (Kent) Salado who has not around this year, I’m trying to look for a better replacement para sa kanya,” saad nito. (Fergus E. Josue, Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?