105
ABANTE coco martin pinas pilipinas philippines ang panday movie
Jan 15, 2018 @ 9:19
By

Coco walang kapaguran, umikot uli sa Pinas para sa Panday

Tapos na ang Metro Manila Film Festival 2017 pero ayaw pa ring magpahinga ni Coco Martin sa kaka-ikot sa buong Pinas para lang sa kanyang movie entry na “Ang Panday”.

Kung noong bago pa lang mag-MMFF panay na ang libot ni Coco sa ilang key cities sa bansa para i-promote ang Panday, ngayon naman iniikot niya ang Pinas para magpasalamat.

Nakaposte sa Instagram account ni Coco ang photo shots at video ng mga shows na ginawa niya sa labas at loob ng mga malls, gaya sa Bacolod.

Nakakakilabot ang isang photo posting ni Coco kung saan makikita ang dami ng taong nanonood sa kanya habang nasa gitna siya nang isang maliit na entalablado sa loob ng mall.

Mistulang parada sa Nazareno ang pagkaka-capture ng kaganapan dahil nakataas lahat ang mga kamay nang audience na parang gusto nilang abutin si Coco.

Halos lahat ay nakalabas ang mga cellphones nila sa pagkuha nang video at photo ni Coco.

@mr.cocomartin, “inikot namin halos ang buong Pilipinas para imbitahan kayong manood ng ‘ANG PANDAY’ ngayon iikutin uli namin ang buong Pilipinas para makapag pasalamat sa inyo lahat..mahal na mahal namin kayo!!!”.

Nagiisa lang talaga sa kategorya nya si Coco sa paraan nang appreciation nya sa tao. Siyempre kasama na rin dito ang pagpapasalamat nya sa patuloy na pamamayagpag sa ratings ng serye niyang “Ang Probinsyano”.

Medyo nakakapag-duda na nga kung alin ba talaga sa pelikula nina Coco at Vice Ganda (The Revengers) ang nag-top sa box office nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon?

Hindi nagbigay nang official announcement ang MMDA sa top-three highest grossing MMFF 2017 entries para maging pantay lahat ang treatment sa lahat ng pelikulang ipinalabas.

Sinasabing ang kay Vice raw ang number one, pero dahil abut-abot ang pasasalamat ni Coco sa pelikula niya, maaaring ito “Ang Panday” ang nag-number one o pumantay sa kinita ng The Revengers.

Well, pareho namang Kapamilya stars ang dalawa at magkaibigan, kaya hindi isyu kung sino ang top o 2nd rate lang. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?