110

Oct 12, 2017 @ 11:36

Coco, todo-todo ang gastos sa ‘Panday’

ILANG araw na lang ay matatapos na ang shooting ni Coco Martin ng Ang Panday. As we write this, may apat na araw na lang at tapos na ang principal photography ng movie. Ang balita namin, dalawang malaking eksena ang kukunan to complete the shoot.

Maluwalhating matatapos ni Coco ang movieng pinagbibidahan, prodyus at dinirek niya. In fact, ahead pa sa deadline set by the Metro Manila Film Festival.

Pagkatapos ng shoot, magsisimula na ang post production — ang master editing, musical scoring at ang special effects na ang balita namin ay gagastusan ni Coco para maging maganda ang panoorin ng tao, lalo na ng mga bata sa Pasko.

In-adopt ni Coco sa production ng Ang Panday ang TV style ng ABS-CBN. Kapag may mga nakunan nang eksena, may naka-standby na editor sa set at doon pa lang ay ini-edit na.

Isang well known musician (na ayaw pang ipa-reveal) ang kinuha ni Coco na maging musical director ng Ang Panday. By end of October, ilalabas na ang Ang Panday merchandise (sword, shirts, mugs at iba pang laruang pambata) na magiging available sa buong Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?