88

By

Coco puwede nang mag-asawa

Sharing is caring!

Handa na sa pag-aasawa ang batikang aktor na si Coco Martin.

Saan man sa bansa magtungo ang aktor ay tiyak na kilala siya ng lahat bilang si Ricardo Dalisay ng palabas na ‘Ang Probinsyano’, na maaaring isa sa dahilan kung bakit marami na siyang naipundar.

Ayon sa isang source, handa na si Coco para sa kinabukasan ng kanyang magiging anak. Kinuwento niya na bagamat kilala ang aktor bilang kuripot ay mahilig siyang bumili ng malalaking lote dahil na rin sa pagkahilig niya sa farming. Dagdag pa niya, hindi nagsasayang ng pera ang aktor sa walang katuturang bagay.

Sigurado nang hindi maghihirap ang buhay ni Coco, ang tanong na lang ngayon ay sino nga kaya ang makakasama niya panghabang buhay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?