26

Jul 6, 2020 @ 13:57
By

Coco puring-puri si Richard

Pinaulanan ng papuri ni Coco Martin ang bagong kasapi ng “Ang Probinsyano” family na si Richard Gutierrez.

“Sino ba naman ang hindi mangangarap na makatrabaho siya? Napaka-humble pala niyang tao, napakabait, napakasimple. Kahit first day pa lang namin, grabe siya makisama hindi lang sa mga artista kundi sa lahat ng mga staff, crew,” wika ni Coco.

“Chard, maraming maraming salamat. Kung alam mo lang, sobrang saya ng lahat ng mga staff, crew at mga artista na makasama ka namin lalo na na nakikilala ka namin ngayon. Natutuwa kami kasi napakagaling mo makisama.”

“’Yung pagiging professional mo, hinahangaan ko iyon. Maraming maraming salamat at pinagbigyan mo kami at pinapangako namin sayo na pagagandahin natin ang proyektong ito,” bigkas pa niya kay Richard.

Sa Lunes masisilayan sa palabas si Richard, na magiging banta sa relasyon nina Coco at Yassi Pressman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?