215

Dec 22, 2017 @ 12:57
By

Coco parang sinaniban ni FPJ!

Kahit umuulan, ayaw pa ring paawat ni Coco Martin sa motorcade para sa MMFF2017 movie entry niyang “Ang Panday” na siya ang bida at nagdirehe.

Sa latest posting ni Coco sa Instagram ng motorcade nila, sa Bacoor Cavite naman sila nag-ikot.

Makikita sa Instagram wall ni Coco na nakasuot pa sya ng raincoat sa ibabaw ng truck habang kumakaway sa mga fans.

Hindi na halos nagpapahinga ang aktor mai-promote lang ang kanyang pelkula sa lahat. Meron pa itong taping para sa kanyang teleserye, ang top rated na “Ang Probinsyano”.

Ito yung sinasabi ni Coco na kahit Holiday season ay nagta-trabaho pa rin sya dahil sa Panday.

Tatapusin lang muna raw nya ang December at saka siya magbabakasyon pansamantala kasama ang kanyang buong pamilya.

Halos nakakaligtaan na rin ni Coco ang kumain. Makikita sa short video sa IG wall niya na pinupunit nya ang isang snack pouch sa pamamagitan ng bibig at saka niya sinungkit ng daliri ang laman nito, saka inihulog sa bibig.

@mr.cocomartin, “Paminsanminsan nagugutom din!! Hehehehe..masarap po sya.”

Ang pamatid gutom ni Coco ay ang give away snack nila mismo sa mga pinupuntahang lugar ng kanilang motorcade.

Ganitong-ganito si FPJ noong nabubuhay pa ito. Parang sumanib ang katauhan ni FPJ kay Coco sa dedikasyon nito sa kanyang pelikula lalo’t pambata.

Ginagalugad rin ni FPJ ang iba’t-ibang lugar maabot lang ang kanyang mga fans.

Grabe rin ang pagtanggap nang mga tao kay Coco sa mga lugar na pinupuntahan ng motorcade, na ganito rin (at triple pa) ang pagtanggap ng mga tao sa mga lugar na binibisita ng tinaguriang Hari ng Pelikulang Pilipino.

Inaasahan at dinadalangin ng mga kapanalig ni Coco pati ng kanyang mga fans na kumita nang husto ang pelikula nya para magkaroon naman ng reward ang malaking effort ng aktor. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?