29

Jun 15, 2020 @ 10:19

Coco, Ogie, Karla negatibo sa virus

Unti-unti na ngang nagsisibalik sa trabaho ang mga Kapamilya star.

Tulad ni Zsa Zsa Padilla na nagposte ng mga larawan sa Instagram, na makikitang naka-PPE ang hairstylists niya, with matching hair cap, face shield, suit at gloves.

Si Regine Velasquez naman ay hindi na nag-abala na kumuha ng make-up artist, dahil sa bahay pa lang ay nag-make na siya sa sarili. Mahusay talagang mag-make up si Regine dahil napakaganda pa rin ng ayos niya.

Anyway, magiging alternate na nga lang ang ibang mga artist sa ASAP. Sinabi ni Ogie na hindi siya kasama sa first live telecast ng ASAP, at possible na sa susunod na Linggo pa siya lalabas.

Anyway, sumalang din si Ogie sa RTC19 at ibinalandra ang negative result nito.

Kasabay naman ng rehearsal nina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros at Karla Estrada para sa pagbabalik sa ere ng “Magandang Buhay” ay ang pagsalang diin nila sa rapid test.

Nakita rin namin na magkakasunod na nagpa-test din ang mga artista ng “Ang Probinsyano” na sina Coco Martin, John Prats, Michael de Mesa, Raymart Santiago. Na siyempre pa ang negatibo ang resulta.

Sunshine, Donna, Geneva, Sheryl collab wagi sa mga fan

Humahakot ng papuri ang musical online production ng Cruz cousins sa social media. Mahigit 1,000 ang mga comment na hinamig nina Sunshine, Donna, Geneva at Sheryl Cruz sa kanilang Instagram.

Napanood nitong Linggo ang kanta nilang “Breathless” ng The Coors.

Ito ang unang pagsasama ng magpipinsan matapos ang ilang dekada na hindi nila pagsasama sa isang kanta.

Si Geneva ay ilang taon ding nanirahan sa Amerika. Si Donna ay tutok bilang nanay at asawa sa Cebu. Si Sunshine ay busy sa career. At ganun din si Sheryl.

Dahil tigil sa trabaho ang karamihan sa kanila, kaya nagkaroon sila ng time na magsama sa online collaboration.

Naku, baka sa susunod ay makasama na rin nila sina Rayver, Rodjun, at pati na si Tirso Cruz III.

Maxine ‘di ikinahihiya ang dyowa

Kahit anong panlalait ang ibinabato sa boyfriend ni Maxine Medina, na isang dive master, deadma lang ang beauty queen. Ipinangalandakan nga niya ang pagbati sa anniversary ng kanilang pagmamahalan.

Nagpahayag si Maxine na walang kaparis na kasiyahan ang nararamdaman niya sa piling ng boyfriend.

“Happy anniversary!! @timmyllana. Thanks for all the ways you love, support, and care for me. I love sharing my life with you I love you so much,” sabi ni Maxine.

Angel ginawang direktor ang dyowa

Itinuloy-tuloy na ng magdyowang Angel Locsin at Neil Arce ang kanilang tandem, partikular na sa career ng aktres. Kung nitong nakaraang lockdown, katuwang na ni Angel sa pagtatayo ng mga tent para sa mga frontliner at COVID-19 infected patients si Neil, ngayon naman ay sinamahan din nito ang dyowa sa bagong show ng Kapamilya, ang “Iba Yan”.

Si Neil ang nagdirek ng programa, base sa ibinigay na detalye ni Angel sa post nito sa Instagram. Ipinakilala ni Angel ang sarili bilang host, at ang fiancé niya bilang director ng show.

Tamang-tama naman si Neil sa trabahong ito dahil isa siyang film producer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?