139

By

Coco nanorpresa ng bagong kotse, limpak na pera sa loyal staff ng ‘Ang Probinsyano’

Sharing is caring!

Noong Linggo sa ASAP ay buong ningning na nag-celebrate ng 3rd anniversary ang longtime aksyon-serye na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’.

Grabe ang saya ng buong staff, crew at cast dahil sabi nga ni Coco Martin a.k.a Cardo, hangga’t nakakapagbigay sigla at saya sila sa televiewers ay hindi sila magsasawang ipadama sa mga ito ang kanilang pagmamahal.

Halos lahat ng cast at mga nag-guest sa ‘Ang Probinsyano’ ay nag-contribute ng kani-kanilang parte sa ASAP.

Kitang-kita sa mukha ng studio audience ang kasiyahan lalung-lalo na nang kumakanta na si Cardo habang kasama ang mga magagandang aktres – Bela Padilla, Yam Concepcion, Ryza Cenon at Yassi Pressman.

Lalong kinilig ang televiewers nang si Yassi a.k.a. Alyanna mismo ang umakbay at ilapit ang mukha sa ‘asawang’ si Cardo. Hiyawan ang studio audience sa ginawa ni Alyanna.

Teary-eyed si Coco dahil ang daming nagmamahal sa kanya.

Wala ring katotohanan na hindi um-attend si Maja Salvador. Nakipag-celebrate rin siya sa FPJAP kung saan nauna na ang production number niya kasama si Darren Espanto.

Samantala, sa thank you party ng ‘Ang Probinsyano’, pinost ni EJ Salut sa kanyang Facebook na namigay ng bagong kotse, 500K, 200K at 100K si Coco sa loyal production staff ng FPJAP.

Dahil sa kabaitan ng actor lalo, siyang minamahal ng kanyang mga kasamahan sa FPJAP at ang daming blessings dumarating.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?