4,532
coco
Apr 25, 2018 @ 19:41
By

Coco nalungkot, nabalewala ang tulong kay Julio Diaz

Parang hindi naman natataranta ang grupo ng FPJ’s Ang Probinsyano na sa Monday ay may bago silang makakatapat na series ng GMA 7. Basta parang tuloy-tuloy lang ang trabaho for them at ni hindi yata pinaghahandaan ang bagong series na makakatapat dahil sabi nga ng isang nakatsikahan ko sa kanila, palagi naman daw espesyal ang bawat episode nila, huh!

Anyway, ang taong din ‘yon ang nakapagtsika sa akin na na-sad pala si Coco Martin sa nangyaring pagkakahuli’t pagkakakulong dahil sa drugs ng dating co-star nila na si Julio Diaz. Noon nga raw na-ospital si Julio, hindi lang daw gusto ni Coco na lumabas, pero malaki pala ang itinulong ng aktor sa hospital bills ni Julio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?