264

Dec 15, 2017 @ 12:08
By

Coco, nahiyang halikan si Mariel de Leon

Matutuwa ang mga nanay na kakaray sa kanilang mga paslit na anak para panoorin ang MMFF 2017 na ‘Ang Panday’ na pinagbibidahan ni Coco Martin at dinirehe mismo ng aktor.

Kung naghahanap ang mga parents ng pelikulang super-wholesome ay rekomendado namin ang pelikulang ito.

Walang kissing scene sina Coco at ang leading lady niyang si Mariel de Leon na magka-love team sa story.

Mukhang na-tiyope si Coco na tikman o sampolan agad si Mariel ng kanyang ka-machohan.

Natawa nang malakas si Coco nang mapansin ng press ang kawalan nila ng romantic-intimate scene ni Mariel gayong may love angle sa team-up nila.

Ayon sa kanya, ‘nahiya’ raw siya kay Mariel kaya hindi na niya nilagyan ng kissing scene ang movie.

May silhouette kissing scene sina Coco at Kylie Versoza na pagdududahan mo pa kung totoo ngang nangyari ang halikan dahil malayo ang shot.

Tinanong namin si Coco kung dahil ba sa ama ni Mariel na si Christopher de Leon ang dahilan kung bakit hindi niya pinalagyan ng kissing scene ang sweet-moment nila ni Mariel.

“Isa na rin ‘yun,” pag-amin ng ‘Ang Probinsyano’ lead ng Star Cinema.

“Siyempre nahiya ako, ‘yung mga ganoon. Siyempre, pinagkatiwala nina Tito Boyet at Sandy si Mariel, kumbaga gusto ko ‘pag napanood nila mapa-proud sila sa anak nila. Kaya ang sabi ko ‘yung eksena namin binusisi kong mabuti. Sabi ko nga, ‘pag napanood nila ito mapa-proud sila kay Mariel kasi ang galing umarte e.”

First movie ito ni Mariel kahit pa kilalang mga award-winning actors ang kanyang mga magulang sa industriya.

Masusulit ang perang ibabayad ng mga manonood sa ‘Ang Panday’ dahil narito na ang lahat ng elemento ng isang pelikula. May action, drama, comedy, fantasy, musical numbers at morale values.

Mula umpisa hanggang sa huling eksena ng pelikula ay mag-e-enjoy ang mga manonood. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?