48

Feb 25, 2021 @ 20:13
By

Coco Martin yayamanin regalo kay Angelica

Sinorpresa ni Coco Martin ng regalong mamahalin ang kanyang leading lady na si Angelica Panganiban.

Sa behind-the-scenes footage na inilabas ng Star Cinema sa YouTube, nagbiro si Angelica ng, “Kinakabahan ako sa kapalit!”

Itinuro kasi ni Coco ang isang paper bag ng luxury brand na Gucci.

“Diyos ko, ano ‘to? Cupcake lang ‘yung binigay ko! Baka may kapalit ‘to, ah? Hindi puwede ngayon!” sabi ng aktres, na kamakailan ay kinumpirmang may bagong nobyo na siya.

Nang buksan ang regalo ay tumambad kay Angelica ang mamahaling tableware set – ang isa ay plato na may naka-print na pusa, na isa raw made to order at may presyong $310 o nasa P15,000

Biro naman ni Coco, “Babayaran mo ‘yan!”

Sagot naman ni Angelica, “I deserve this. Gagalingan ko po sa pelikulang ito!”

Unang team-up nina Coco at Angelica ang “Love or Money” movie, na tungkol sa magkasintahang winasak ng ambisyon.

Ayon sa ABS-CBN report, mapapanood ang “Love or Money” sa KTX.ph, iWant TFC at Sky PPV simula March 12.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?