450

By

Coco Martin matinik sa sexy star, naging dyowa si Kuhdet Honasan

Sharing is caring!

Hindi man daw siya mahilig sa mga lalaking taga-showbiz, inamin ng dating sexy actress na si Kuhdet Honasan na nakarelasyon niya noon si Coco Martin.

Nakapanayam namin sa ‘Tambayan Ng Tsika Tonite’ ang dating sexy star na si Kuhdet na nakilala noon bilang isa sa Rebel Beauty na alaga ng isang sexy star din na si Katrina Paula.

Nagsimula siya sa showbiz bandang year 2003 at nakagawa ng about fourteen films na ayon sa kanya, lahat ay sexy. “Lahat sexy films ang nagawa ko, pero hanggang top lang naman ako, walang frontal talaga. Tapos iyong mga pasilip lang ng side ng body ko, hanggang doon lang,” kuwento niya.

Wala pa ring kupas ang ganda at kaseksihan ng dating aktres. At nang matanong namin kung may nakarelasyon ba siya sa showbiz noon, nabanggit nga niya sina Danilo at ang star ng FPJ’s Ang Probinsyano at kinikilalang ‘Primetime King’ na si Coco.

Nang usisain namin kung anong klaseng boyfriend si Coco, sinabi ni Kuhdet na mabait, sweet at gentleman daw si Coco.

Nang sundutin pa namin kung bakit sila naghiwalay noon ni Coco, inamin ni Kuhdet na minsan daw kasi ay may pagka-pasaway siya noong panahon na naging sila ni Coco. Mahilig daw kasi siyang gumimik kaya hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon ng aktor.

Sa ngayon, ang focus niya ay sa pagiging ina sa kanyang five year old daughter at sa kanyang trabaho sa real estate via Century Properties Real State at sa business niyang build and sell ng mga bahay.

Panoorin ang kabuuan ng masayang panayam namin nina Beth Gelena at Rona Avecilla kay Kuhdet sa Tambayan ng Tsika Tonite sa Facebook at sa Abante Tonite website simula bukas, Oktubre 19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?