71

By

Coco Martin, lagare sa promo ng pelikula

Sharing is caring!

Kahit suyurin pa ni Coco Martin ang buong Pilipinas ay gagawin nito mai-promote lang niya ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2017 movie entry niyang “Panday”.

Kahit abala sa taping ng kanyang top-rated teleserye na “Ang Probinsyano” naisisingit pa rin ni Coco ang pagna-national tour niya para ipamalita sa lahat na magso-showing ngayong December 25 ang kanyang pelikula.

Naka-post sa kanyang Instagram account ang motorcade at road show na ginagawa niya para sa “Panday”.

Nakaabot na si Coco sa Legazpi, Albay. Makikita rin sa video na nakarating na rin ang action star sa Cabanatuan, Dagupan at Rosales, Pangasinan.

Patok naman ang mga pinuntahang lugar ni Coco dahil dinudumog ng maraming tao ang kanyang road show at motorcade.

Walang hindi gagawin si Coco para lang masigurong panonoorin ang kanyang action film. Unang-una, first movie directorial job niya ito. Siya rin ang producer ng pelikula at siya rin ang bida.

Walang Panday movie na hindi kumita sa takilya at maaaring isa rin ito sa pressure ng aktor at ayaw niyang masira ang naitalang box-office history ng yumaong Fernando Poe Jr. na siyang bida sa maraming Panday franchise.

Makakalaban ni Coco ang kaibigan at dati na rin niyang nakasama sa pelikula na si Vice Ganda na certified box-office drawer.

Ang MMFF 2017 entry nito ay “The Revenger” kung saan bida rin sina Pia Wurtzbach at Daniel Padilla. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?