65

Jun 16, 2020 @ 16:34
By

Coco Martin, iba pang Kapamilya star nagpa-rapid test

Sumasailalim muna ang mga celebrity sa rapid testing para sa COVID-19 bago sila magbalik sa trabaho.

Kabilang sa dumaan sa rapid testing ang mga bida sa mga TV show na “Ang Probinsyano” at “Magandang Buhay”.

Kasama ni Coco Martin na nagpa-test ang mga co-actor niya sa “Ang Probinsyano” na sina Shaina Magdayao, Raymart Santiago, Michael de Mesa at John Prats, batay sa IG post nina Karla Estrada at Jolina Magdangal, na sumalang din sa rapid testing.

Ka-join din sa testing ang co-host nila sa “Magandang Buhay” na si Melai Cantiveros.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?