162

Oct 30, 2017 @ 9:24

Coco Martin bida na sa mobile game

By ERIC JOHN SALUT

NI-LAUNCH nu’ng Sabado ang mobile game ng Ang Panday na dinaluhan mismo ni Coco Martin. Isinabay ito sa E-Sports And Gaming Summit na dinaluhan ng libu-libong gamers and game developers.

Kasama ang kanyang business partners na Synergy88, matapos i-download at ipinakita ni Coco kung paano laruin ang nasabing mobile game na ikinatuwa ng mga nanood ng event. Maganda ang paliwanag ni Coco kung bakit niya ginawang mobile game ang Ang Panday.

“Una, original Pinoy hero siya, creation ni Direk Carlo J. Caparas. Since wala na ngayong nabibiling komiks, ginawa naming mobile game. Ang mga bata ngayon, masyado silang techie. Kung gusto mong ipakilala sa kanila ang isang tao o bagay, sa mobile mo gawin.

“Kasi kahit 5 years old, mai-enjoy ang game. Hindi siya violent, pero adventurous siya, maraming challenges. At free ‘yung game app sa Google,” explain ni Coco.

Nakapag-put up na pala si Coco ng sarili niyang kompanya na nag-develop ng Ang Panday mobile game, ito ang Co Syn Mediatech, Inc. Bukod sa Ang Panday mobile game, marami pang idi-develop si Coco and his team ng iba’t ibang mobile games and apps.

“Nu’ng na-meet ko ang mga partners ko dito sa CoSyn, sabi ko, I have the best people, mahusay sila. Kaya mukhang mag-e-enjoy dito sa new venture ko,” sabi pa ni Coco.

Sa nasabing event din, ibinalita ni Coco na tapos and complete na sila sa shooting ng Ang Panday. Editing, mixing, scoring at ang madugong special effects ng movie ang tinutukan ngayon ni Coco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?