636

Oct 17, 2017 @ 17:45

Coco Martin at Jhong Hilario kahindik-hindik ang mga eksena sa ‘Ang Probinsyano’

ANG pagpasok ni Jhong Hilario sa FPJ’s Ang Probinsyano ang naging daan para sa isang magandang pagkakaibigan sa kanila ni Coco Martin.

Si Jhong bilang Alakdan o Homer ang itinuturing na pinakamasamang karakter sa primetime television ngayon. Kasusuklaman mo ang kanyang pagganap bilang isang tiwaling rebelde.

At dahil nga sa isang pagkakaibigan na ‘yon nina Coco at Jhong, in offer ni Coco si Jhong ng isang importanteng role sa Ang Panday.

Sa Instagram post ni Coco, pinasalamatan niya si Jhong sa pagganap sa nasabing role. Nang araw na ‘yon natapos ang shoot ni Jhong para sa pelikula. Agad ding nag-reply si Jhong sa nasabing post ni Coco.

Kaabang-abang at kahindik-hindik ang mga eksena this week sa FPJ’s Ang Probinsyano. Kukunin ni Cardo (Coco) ang loob ni Alakdan (Jhong). At sa pagkakataong ‘yun, makuha kaya niya ang loon nito. Tuluyan na kayang malaman ni Cardo kung sino ang tunay na nagpapatakbo ng Pulang Araw? (ERIC JOHN SALUT)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?