133
coco-martin
By

Coco Martin agarang nagpaabot ng tulong kay Rhed Bustamante

Sharing is caring!

Isa si Rhed Bustamante sa mga batang artista na nakitaan agad na mahusay umarte at naging malaking tulong siya sa pamilya nang mapasok sa industriya.

2016 nang huling mapanood sa pelikulang ‘Seklusyon’ si Rhed kung saan na-nominate siya bilang Best Actress sa Metro Manila Film Festival. That time ay nine years old si Rhed.

Ilan sa nilabasan ni Rhed na teleserye ay ang ‘Endless Love’ noong 2010 na napanonood sa GMA7. ‘Flordeliza’ naman sa ABS-CBN noong 2015 kung saan isa siya sa bida.

Isa ang late director na si Wenn Deramas ang malaking naitulong sa career ni Rhed. Sinasama ni direk Wenn ang child actress sa kanyang mga project noon. Tulad ng ‘Girl, Boy, Bakla, Tomboy’, ‘Maria Leonora Teresa’ at ‘The Amazing Praybeyt Benjamin’.

Sa dami ng naging projects ng child actress ay wala siyang naipon para sa kanyang sarili. Ang lahat ng kinikita ay tinutulong sa pamilya. Masasabing siya na halos ang naging bread winner sa murang edad niya. Tatlo silang magkakapatid at siya ang bunso.

Nang mawalan ng proyekto si Rhed ay hindi na rin niya natutustusan ang pamilya. Hindi na siya nakababayad ng renta sa bahay, wala na ring pambayad ng kuryente hanggang sa naghirap na ang kanyang pamilya at napalayas sa inuupahang tirahan.

Na-feature kamakailan ang buhay ngayon ng dating child actress sa programa ni Korina Sanchez, ang ‘Rated K’.

Kasakasama ngayon si Rhed ng kanyang ina na nagtitinda sa may riles ng tren sa Maynila. Ang amang mekaniko ay hindi nakakapagtrabaho dahil may sakit sa baga.
“Mahirap po isipin kasi ganu’n talaga ang buhay po. Minsan hindi ko na rin alam kung anong gagawin para makatulong sa pamilya ko po,” lahad ni Rhed.

Nadiskubre rin ng “Rated K” na may pambihirang sakit ang ngayo’y 11-year-old na child actress. Meron siyang Icontinentia Pigmenti (a genetic dermatological disorder affecting the skin, hair, teeth and central nervous system). Pinadala ni Korina sa kanyang staff si Rhed sa espesyal na dermatologist para ipagamot.

Natanong ni Korina kung gusto pang bumalik sa showbiz ni Rhed.

“Opo, opportunity rin po kasi yun para medyo makaraos po. Wish ko po may makatulong sa akin para sa pag-aaral naming tatlong magkakapatid. At saka siyempre kailangan lagi mag-pray kay Lord,” ang sagot ng batang aktres.

Isa ang actor na si Coco Martin ang agad na gumawa ng paraan para matulungan si Rhed. Nalaman niya ang naging buhay ng batang aktres dahil sa programa ni Korina.

Nanghihinayang si Coco sa talento ni Rhed kaya agad niya itong tinawagan.

Sa panayam ng TV Patrol kay Coco, naniniwala ang actor sa oportunidad na ibinibigay sa mga tao. Lalo na raw sa kagaya ni Rhed na napakahusay na artista.

Masidhi ang kagustuhan ni Rhed na makabalik sa showbiz. Ito ang nakikita niyang oportunidad na muli silang maahon sa kahirapan.

Nangako siya kay Korina na kapag nakabalik sa showbiz ay tatapusin niya ang pag-aaral.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?