39

Coco magiging guest co-host sa ‘Eat Bulaga’?

Sharing is caring!

Namangha si Maine Mendoza nang makaharap na personally ang director-actor na si Coco Martin.

Nu’ng first shooting day niya ng “Jak Em Popoy: The Puliscredibles” hindi makapaniwala si Maine na kaharap at katrabaho na niya ang Kapamilya actor.

Ani ng Dubsmash Queen, “akala ko birubiruan lang na masasama ako sa pelikula ni Coco. Nu’ng andyan na… nakita ko siya na-starstruck ako. Besides, sobrang bait niya. Very approachable, very accommodating at sobrang humble.”

Nang malaunan naging at home na rin si Maine sa mga kasamahan sa movie. Sa pictorial ng buong cast ng “Jak Em Popoy: The Puliscredibles” walang ginawa ang grupo kundi ang magkulitan.

Ang “Jak Em Popoy: The Puliscredibles” ay entry nina Coco, Bossing Vic Sotto at Maine sa darating na Metro Manila Film Festival.

Kamakailan lang ay dumalaw si Coco sa “Eat Bulaga” studio, pero sa backstage lang siya. Tuwang-tuwa ang EB Dabarkads sa presence ng “FPJ’s Ang Probinsyano” actor. Wala si Maine sa studio dahil nasa segment siya ng “All For One, One For All” na kinukunan sa labas.

Samantala, marami ang nagre-request na sana raw ay makapag-guest din si Maine sa “Ang Probinsyano.” Hindi naman malayong mangyari dahil mismong si Bossing Vic ay gusto ring mag-guest sa number one teleserye ng ABS-CBN.

Speaking of “Ang Probinsyano” may nagtanong kay Coco kung kelan daw ba matatapos ang kanilang action-serye.

Natawa si Coco a.k.a. Cardo Dalisay, sabay sabing, “Honestly ‘yun ang hindi ko po alam e. Kasi sabi ko hangga’t may kuwento, hangga’t gusto ng mga Filipino, andiyan pa din po ang ‘Ang Probinsyano.’ Matanda na si Cardo!”

Kwento pa niya hindi raw biro ang proseso ng mga maiinit na eksena. Lahat daw ng napapanood ng televiewers sa gabi ay nakukunan ng hapon lang.

Kapag may nababasa raw siyang negatibong komento na tila may naiinip na sa ending ng kanilang programa ay nalulungkot siya.

Pero, hindi ‘yun ang nagiging daan para mawala ang lakas ni Cardo. Mas lalo raw siyang natsa-challenge at nakakaisip ng ibang maiinit na eksena para sa “Ang Probinsyano.”

Katunayan pinag-iisipan na ni Cardo ang eksena kung papaano mapapasok ang character nina Bossing Vic at Maine sa “Ang Probinsyano.”
Ngayon pa lang marami na ang naghihintay na mapanood ng avid fans ni Cardo ang guesting nina Maine at Vic Sotto. Wish nila sana raw matuloy ang plano.

But how true na may swapping ang magkabilang panig pagdating sa promotions. Kung gi-guest sina Bossing Vic at Maine sa “Ang Probinsyano,” may tsikang magiging guest co-host naman ng “EB” si Coco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?