87
coconut
Mar 19, 2018 @ 19:01
By

Coco levy trust fund bill, lusot na sa Senado

Aprub na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Senado ang panukalang batas kung saan itinatakda na para lamang sa coconut industry at 3.5 milyong coconut farmers ang may P100 bilyong coconut levy funds na nalikom noong Marcos administration at inilagak sa iba’t ibang negosyo.

Ito ay ang Senate Bill No. 1233 o ang panukalang Coconut Farmers and Industry Development Act.

Nililikha rito ang Coconut Farmers and Industry Trust Fund na pangangasiwaan ng Philippine Coconut Authority.

Bumoto para sa pabor dito ang 19 na senador at tanging si Senadora Risa Hontiveros lang ang tumutol.

May “reservation” naman sa pagboto ng pabor ang nagdepensa ng panukala na si Senador Kiko Pangilinan. Dahil ito sa dami ng naging pagbabago sa panukalang batas na inakda nila nina Senadora Cynthia Villar, Ralph Recto at Senador Bam Aquino.

Ang coco levy ay ilalagak sa government securities lamang para sigurado ang kita at hindi manganganib na malusaw,

Gagamitin ito para matulungan ang mga magniniyog, para makapag-aral ang kanilang mga anak at upang mapalakas ang samahan ng mga magniniyog.

Sa walong milyong magsasaka sa bansa, 3.5 milyon ang nagtatanim ng palay habang 3.5 milyon ang magniniyog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?