43

By

Coco levy trust fund bill, lusot na sa Bicam

Inaprubahan na ng Bicameral Conference Committee ang Coconut Levy Trust Fund Bill.

Ayon kay Senadora Cynthia Villar, chairman ng Senate Committee on Agriculture, makikinabang dito ang 3.5 milyong magniniyog.

Sa ilalim nito, ilalagak ang P100 bilyong natitipon ngayon na coconut levy o buwis mula sa magniniyog na kinolekta noong Marcos administration.

Palalaguin ito sa Treasury bills at pangangasiwaan ng Philippine Coconut Authority (PCA).

Sa kikitain nito, kukuha kada taon sa loob ng 25 taon ng P5 bilyon para itulong sa mga magniniyog.

Uumpisahan sa 2019 ang paggamit sa pondo.

Isa ang panukalang batas na ito sa mga ipinangako ni Pangulong Duterte sa kaniyang State of the Nation Address noong nakaraang linggo at noong 2016. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?