166

Dec 27, 2017 @ 18:43
By

Coco huling-huli ang kiliti ng mga bata

MASAYA si Coco Martin sa box office results ng kanyang first directorial job, ang Ang Panday na tinatayang magiging topgrosser sa ongoing Metro Manila Film Festival. Hindi pinayagan ng MMFF executive committee ang mga producer na mag-release ng box office receipts para hindi raw makaapekto sa iba pang entries ng ongoing festival.

Pero kung pagbabasehan ang pila at word of mouth, ang Ang Panday ay isa sa big contender para maging isang topgrosser. Umaga pa lang ay sold out na ang lahat ng screenings ng Ang Panday.

Nakita mismo ni Coco ang reaksyon ng mga batang nanonood ng Ang Panday. Naglibot si Coco noong first day sa ilang sinehan at nakita niya ang pila ng mga bata kasama ang kanilang mga magulang.

“‘Yun naman ang objective, ang mapasaya ang mga bata, kasama na siyempre ang mga magulang nila. At nakita ko namang nagustuhan nila,” sabi ni Coco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?