55

Jun 27, 2020 @ 12:38
By

Coca-Cola boykot sa Facebook

Nakiisa ang Coca-Cola Company sa pagboboykot sa Facebook matapos inanunsyo na hindi muna sila maglalabas ng mga advertisement sa mga social media.

Sa loob ito ng isang buwan simula July 1, ayon sa ulat ng The Verge.

Bahagi ito ng malawakang pagboboykot sa Facebook at Instagram na inorganisa ng Anti-Defamation League, NAACP, at iba pang grupo na nanawagan ng “Stop Hate For Profit” campaign.

Hindi lang sa Facebook at Instagram sila magba-ban ng ads globally kundi damay din ang Twitter, YouTube at iba pang platform.

“Starting on July 1, The Coca-Cola Company will pause paid advertising on all social media platforms globally for at least 30 days,” sabi ni Coca-Cola Company CEO James Quincey sa naka-post na statement niya sa kanilang website.

“We will take this time to reassess our advertising standards and policies to determine whether revisions are needed internally, and what more we should expect of our social media partners to rid the platforms of hate, violence and inappropriate content. We will let them know we expect greater accountability, action and transparency from them.”

Inilunsad ang “Stop Hate For Profit” campaign noong nakaraang linggo.

Layon nito na baguhin ng Facebook ang mga polisiya nito at mga racist content.

“Today, we are asking all businesses to stand in solidarity with our most deeply held American values of freedom, equality and justice and not advertise on Facebook’s services in July. Let’s send Facebook a powerful message: Your profits will never be worth promoting hate, bigotry, racism, antisemitism and violence,” sabi sa ad ng “Stop Hate For Profit” campaign sa Los Angeles Times.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?