16

By

COC filing ‘wag gawing ‘circus’ – Comelec

Sharing is caring!

Ipinagdarasal ng Commission on Elections (Comelec) na hindi magmistulang ‘circus’ ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga kakandidato sa eleksyon sa susunod na taon.

Sinabi ni Dir. James Jimenez, ang tagapagsalita ng Comelec, iniiwasan nila na maging magulo ang paghahain ng COC dahil sa mga tagasuporta.

Ibinahagi nito na maaaring araw-araw simula bukas hanggang sa Oktubre 17 ay may mga kilalang indibiduwal ang magsusumite ng kanilang COC.

Dagdag pa nito, inaasahan nila na marami ang kakandidato sa pagka-senador para sa 2019 midterm elections kumpara sa senatorial race noong 2016.

Paalala nito na hanggang limang katao lang, kasama na ang senatorial candidate, ang papayagan nilang pumasok sa kanilang tanggapan sa Intramuros, Manila.

Aniya sa kaso ng party-list groups, 10 katao ang makakapasok kasama na ang mga nominado.

Ipinagdiinan din ni Jimenez na ang COC ay kailangan panumpaan ng kandidato at hindi ito maaring ipadala sa kanila sa pamamagitan ng email, fax o sulat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?