7

By

Cobb at Luna pangunahing karakter ng Lady Spikers

Sharing is caring!

Pagkatapos ng matagumpay na grand slam sa nagdaang UAAP Season 80 women’s volleyball tournament, ikaapat na dikit na kampeonato naman ang puntirya ng De La Salle Lady Spikers sa susunod na taon.

Hindi ito madali, kaya kailangan ang mas malaking ayuda mula kina Michelle Cobb at May Luna.

Handa sa misyon ang incoming third year setter na si Cobb. Aniya, malaking pasalamat niya kay coach Ramil De Jesus sa tiwalang ibinigay sa kanya at hindi niya ito bibiguin sa Season 81.

“Ang saya sa feeling kasi siyempre na-repay ko yung hardwork niya sakin, yung effort na binigay niya sakin sa training, na-repay ko yun through the championship. [Sabi ko kay coach] thank you for the trust and believing in me until the end,” sey ni Cobb sa website ng DLSU na goarchers.com.

Hindi man masyadong nagagamit sa double round eliminations, lumabas sa kweba at agad nagparamdam sa best-of-three finals series ang incoming fourth year player na si Luna.

Hindi niya rin binigo si coah De Jesus.

Sa susunod na season, hindi mahalaga kay Luna kung starter siya o off the bench. Ang mahalaga aniya, tutulong siya sa koponan sa anumang paraan upang masikwat ang four-peat.

“Hopefully po next year [makapag-starting six], aiming po ako pero kahit nasa bench ako o starting six, okay lang talaga kasi part ka rin naman ng team eh. Kung saan yung team, andoon ka,” kwento ni Luna. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?