171
PCG Philippine Coast Guard ISIS
Feb 21, 2018 @ 11:21
By

Coastguard nakaalerto sa banta ng terorismo

Kasabay ng pahayag ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na may isa pang lungsod ang target umanong guluhin ng teroristang ISIS, hindi nagpapakampante ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa anumang banta ng terorismo.

Sinabi ni PCG Captain Armand Balilo, hindi rin tumitigil ang palitan ng impormasyon at koordinasyon nila sa PNP at iba pang law enforcement Agency para matiyak ang seguridad ng publiko.

May koordinasyon din aniya ang kanilang mga intelligence operatives sa intel community para magpalitan ng impormasyon at validation sa kanilang counterpart.

Muli na namang pinaalalahanan ni Balilo ang publiko na hindi kailangan matakot o mangamba sa mga ganitong ulat dahil on-top ang mga kinauukulang ahensiya sa mga ganitong usapin.

Dapat lamang aniya na maging mapagmatyag ang mamamayan sa anumang kanina-hinalang kilos na kanilang makikita saanmang lugar at ipagbigay-alam agad sa mga otoridad.

Nauna nang inihayag ni NCRPO Chief, Director Oscar Albayalde na maliban sa lungsod ng Marawi ay may isa pang lungsod ang target na guluhin ng ISIS.

Ito ay kasunod na pagkakapurnada sa plano sanang panggugulo ng terorista dahil sa pagkakaaresto ni Fehmi Lassqued at kinakasama nitong Pinay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?