44

Aug 30, 2020 @ 15:05
By

Coastal road sa Sorsogon binuksan na

Bukas na ang isa sa mga “grandest” project sa Bicol region sa ilalim ng programang “Build, Build, Build” ng gobyernong Duterte.

Sabi ni DPWH Secretary Mark Villar, Linggo, binuksan na ang Sorsogon City Coastal Road, na may apat na lane at haba na 5.52 kilometro mula Sorsogon baywalk hanggang Barangay Balogo.

Ang mga barangay na binabagtas ng coastal road ay Sirangan, Sampaloc, at Balogo. Kinokonekta rin aniya ng kalsada ang mga barangay ng Pangpang, Tugos, Cambulaga, at Talisay.

Sabi naman ni DPWH undersecretary for Luzon operations Rafael Yabut, sa ulat kay Villar, makatutulong ang coastal road hindi lang sa pagpapaluwag ng heavy traffic sa ibang daanan sa Sorsogon City, kundi sa pagbibigay-proteksiyon sa mga lugar sa paligid nito mula sa storm surge.

Dapat mabatid na ang Bicol Region ay isa sa mga karaniwang dinadaanan ng malalakas na bagyo sa bansa.

Dagdag pa, matatanaw ng mga biyahero ang “pleasant view” ng Sorsogon coastline sa nasabing bagong daanan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?