89

Jul 27, 2021 @ 19:38
By

Coast guard hinabol snatcher, cellphone naibalik sa biktima

Hinangaan ang isang off-duty Philippine Coast Guard (PCG) marshal matapos niyang tulungan ang isang babaeng nahablutan ng cellphone sa Ayala, Makati kahapon, July 26.

Sa Facebook post, sinabi ng Inter-Agency Council for Traffic (IACT), na papauwi na mula sa trabaho si IACT Team Dragon Marshal PCG/ASN Aljohn Gamul at kabababa lamang sa isang bus sa Ayala nang aktong makita niya ang insidente.

Agad niyang hinabol ang tumatakbong snatcher.

Umabot umano ng halos kalahating oras ang habulan kung saan nakarating pa sa iba’t ibang eskinita si Gamul mahabol lamang ang snatcher.

Sa pagod ng snatcher ay ibinato niya na lamang ang cellphone sa direksyon ng humahabol na si Gamul.

Dahil dito ay naibalik ang cellphone sa biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?