79

Aug 27, 2019 @ 8:50
By

Coach Yeng sumakit ang ulo sa Final 12

Nahirapan din si coach Yeng Guiao sa pagpili ng final roster ng Gilas Pilipinas na sasabak sa 18th FIBA World Cup 2019 sa Aug. 31-Sept. 15.

Napadali lang ang desisyon nang makumpirma na ‘di na makakasama sa China sina Poy Erram at Matthew Wright dahil sa injuries.

Tinapik sina PBA rookies Robert Bolick at CJ Perez sa final 12. Nakalos mula sa pool si big man Beau Belga.

Nawalan ng isa pang big kay Erram, pumasok si Raymund Almazan.

Nang ‘di pa nakukumpirmang ‘di makakalaro si Wright, kaagawan niya sa spot si Mark Barroca.

“Mahirap. Ilang araw na naming pinag-uusapan ‘yan,” pagbubunyag ni Guiao tapos ng pangalawang goodwill match ng Gilas kontra Adelaide 36ers Linggo ng gabi sa Meralco Gym, Pasig.

“Of course, there were circumstances that also played into the decision-making.”

Kukumpleto sa final roster sina Japeth Aguilar, Andray Blatche, June Mar Fajardo, Paul Lee, Gabe Norwood, Roger Pogoy, Kiefer Ravena at Troy Rosario.

Ngayong araw ay bibiyahe na pa-Foshan ang Nationals, unang makakaharap ang Italy sa opening day, sunod ang Serbia sa Sept. 2, huli sa group stage ang Angola sa Sept. 4.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?