236

By

Coach Steve Kerr tiba-tiba sa bagong kontrata sa Warriors

Sharing is caring!

Nagkasundo umano ang Golden State Warriors at si coach Steve Kerr para sa extension ng kontrata ng huli sa koponan.

Sabi sa report ng ESPN, ang bagong kontrata na ito ang maglalagay kay Kerr sa listahan ng highest paid coaches sa NBA.

Ang kontrata umanong ito ni Kerr ay doble sa kasalukuyan niyang sahod bilang coach ng Warriors, ayon sa report ng NBC Sports.

Nakipag-usap umano si Kerr sa posibleng contract extension matapos walisin ng Warriors ang Cleveland Cavaliers sa 2018 NBA Championship.

Naging coach ng Golden State si Kerr, 52, noong May 2014.

Tatlong NBA championships na ang naiuwi ng Warriors sa pagmamando ni Kerr.

Nanalo na rin ng limang kampeonato ang dating point guard noong player pa siya ng Chicago Bulls at San Antonio Spurs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?