87

By

Coach Steve Clifford, dinispatsa na ng Hornets

Sharing is caring!

Matapos na hindi muling makapasok sa playoffs, sinibak na ni Charlotte Hornets majority owner Michael Jordan ang coach nito na si Steve Clifford.

Kasunod ito ng nakakadismayang kampanya ng team sa 2017-2018 NBA regular season.

Kumamada ang hornets ng 36 lamang na panalo at 46 na talo ngayong season at 3 beses na hindi naka-usad sa post season sa nakalipas na apat na taon.

Ang pasya na pagsibak kay Clifford ay kasunod ng face-to-face meeting nito kay Charlotte general manager Mitch Kupchak.

Nagpasalamat si Kupchak sa naging kontribusyon ni Clifford sa team bilang head coach.

Ang Hornets ay may 196-214 win-loss record sa ilalim ni Clifford at dalawang beses lamang nakapasok sa playoffs.

Si Clifford ang pangatlong coach na sinibak mula nang matapos ang regular season, kasunod nina coach Jeff Hornacek ng New York Knicks at Frank Vogel ng Orlando Magic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?