385

By

Coach ‘sinaksak’ ang mga player

Sinaksak ni Arellano University coach Obet Javier sa kukote ng kanyang mga bataan na bawal silang matalo laban sa San Beda University.

Dala ng three-time defending champions Lady Chiefs ang mensahe habang naglalaro kaya naman walang kahirap-hirap itong winalis ang Lady Red Spikers, 25-20, 25-21, 25-22 sa 95th NCAA women’s indoor volleyball tournament first round eliminations Lunes ng hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

“In-explain namin kung gaano kahalaga ang game ngayon, wala pang talo ang San Beda. Sinabi ko sa kanila na, kung sino ang mananalo ngayon ‘yan ang pwedeng mag-no. 2 or no. 1 Must-win ngayon, hindi pwedeng matalo tayo sa Beda,” giit ni Javier.

Muling lumabas ang tikas ng AU nang magsanib puwersa sina reigning Most Valuable Player Necole Ebuen at Regine Arocha.

Tumikada si graduating spiker Arocha ng 18 points mula sa 13 attacks, tatlong service aces at dalawang blocks habang 12 markers kasama ang walong spikes at apat na blocks ang inambag ni Ebuen para sa Lady Chiefs na solo sa unahan tangan ang malinis na limang panalo.

Nakalamang ang Mendiola-based squad, 22-21, pero naging matatag ang mga balibolista ng Legarda sa endgame para tapusin ang laro sa straight sets.

Nalasap ng SBU ang unang talo sa apat na salang kahit kuma si Francesca Racraquin ng 16 points at 16 digs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?