43

Dec 11, 2017 @ 16:45
By

Coach Shaq kakapit kina Stalzer, Hurley sa PSL

Walang ibang kinapitan ang Petron kundi sina reinforcements Lindsay Stalzer at Hillary Hurley para patalsikin ang defending champion Foton noong Sabado sa semifinals ng Chooks to Go-5th Philippine Superliga (PSL) 2017 Grand Prix sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Kaya inaasahang muling huhugot ng puwersa si Blaze Spikers coach Shaq delos Santos sa kanyang dalawang imports sa pagharap nila sa best-of-three finals sa F2 Logistics, Martes ng alas-siyete ng gabi sa FilOil Flying V Center, San Juan City.

“We know that for the past two years, we’re always being beaten by Foton for the title,” hayag ni Delos Santos, kasama na siya sa coaching staff ni George Pascua nang magreyna ang Blaze Spikers sa Grand Prix may tatlong taon na ang nakaraan.

“That’s why winning the title this time means a lot to us. We are very hungry and we will do everything to win it. It’s no longer a question of roster, imports or any other factors; it’s now a question of heart and desire.”

Kumayod si Stalzer ng 22 kills at dalawang blocks para sa game-high 25 points habang bumakas si Hurley ng 21 kills, dalawang blocks at isang service ace para sa 24 markers kontra Foton.

Bago ang gold match ng Blaze Spikers at Cargo Movers, magtatapat muna para sa bronze medal ang Cocolife at Foton sa 4:15 ng hapon sa event na suportado ng Mikasa, Grand Sport, Senoh, Mueller, Island Rose, Cloudfone at UCPB Gen.

Sumampa sa championship round ang F2 Logistics matapos nilang kalusin sa semis ang Asset Mangers. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?