139

Dec 28, 2017 @ 13:37

Coach Norman Black, proud na pinahirapan ng Bolts ang Beermen

Natalo man ay ipinagmamalaki pa rin ni Meralco Bolts coach Norman Black ang pagsisikap ng kanyang koponan na hindi ibinigay basta-basta ang panalo sa San Miguel Beermen, 103-97, sa PBA Philippine Cup sa Ynares Center sa Antipolo kagabi.

Maagang umabante ang Beermen sa Bolts ng 22 puntos sa kaagahan ng second quarter pero hindi pinanghinaan ng loob at naibaba nila ang kalamangan.

Kinapos man sa huli ay proud si Black sa kanyang players na naglaro na wala sina Ranidel de Ocampo, Cliff Hodge at Jared Dillinger dahil sa injuries.

“I’m pretty proud of my players tonight. They came out and fought despite the fact that were pretty much undermanned,” ani Black.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?