16

Oct 29, 2020 @ 8:58
By

Coach nilantad: Khabib ayaw pa magretiro

Mukhang makikita pa ulit sa loob ng octagon si UFC top pound for pound fighter Khabib Nurmagomedov.

Ayon sa coach nitong si Javier Mendez, nasobrahan lang ang pagiging emosyonal ng Russian fighter matapos manalo sa UFC 254 kontra Justin Gaethje.

Ito kasi ang unang laban ni Khabib buhat noong pumanaw ang kanyang ama dahil sa COVID-19.

“Look at his emotions, he was in tears, he was all over the place. I know he said what he said, but he was extremely emotional and time will tell if it will stick or not,” saad ni Mendez sa The Sun.

Lagi din umanong sinasabi ng UFC lightweight champion na wala pa sa balak nito ang pagreretiro sa edad na 32.

Aniya, sakaling magbago ang isip ni Nurmagomedov at ina nito ay maaari pa itong lumaban muli.

Lahad ng coach ni Khabib, “If his mother sees that he can continue and that Khabib did actually want to continue then she may ‘So go and fulfil your father’s legacy and go 30-0’.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?