68

Dec 18, 2017 @ 18:56
By

Coach Louie sa pagkatalo ng Phoenix: May pagkakamali ako

Inamin ni Louie Alas na meron siyang mga pagkakamali na siyang naging daan para masira ng San Miguel Beer ang kanyang debut bilang bagong coach ng Phoenix Petroleum.

“It’s my fault,” sabi ni Alas, tukoy ang mali niyang tawag sa depensa na nagbigay-daan sa layup ni June Mar Fajardo na siyang tuluyang nagpalayo sa Beermen tungo sa 104-96 na panalo noong Linggo sa umpisa ng PBA Philippine Cup.

“Kasi alam na alam kong pupunta kay June Mar, nag-double pa rin kami (sa iba). That’s the tendency. From there, lumaki ‘yung lamang,” dagdag ng dating assistant coach sa Alaska sa nakaraang limang taon.

Tunay na namayagpag nga ang SMB mula roon. Mula sa 85-80 na iskor, inumpisahan ng basket ni Fajardo ang isang 18-4 run na bumatak sa kanilang lamang sa 103-84, 2:36 na lang ang natitira sa laro.

Ayon na rin kay Alas, siya at ang kanyang team ay may mga natutunan din sa talo.

“Sabi ko, basta next time, I’ll be sharper. ‘Yung mga ganu’ng situation, magkakamali ka, lalo na’t you’re trailing? Patay ka. Patay nga kami,” panapos niya. (Christian Cortez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?